Operasyon ng Consular Office sa Tuguegarao City suspendido ngayong araw at bukas

Suspendido ngayong araw, December 21 hanggang bukas December 22 ang operasyon ng DFA Consular Office Sa Tuguegarao City.

Kasunod ito ng naranasang pagbaha sa Tuguegarao City simula pa kahapon.

Ayon sa DFA, sa December 23 magre-resume ang regular na operasyon ng consular office ng lungsod.

Ang mga apektadong aplikante na may kumpirmadong appointments ngayong araw at bukas ay ia-accommodate sa ibang mga araw.

Kailangan muna nilang kumuha ng panibagong appointment sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa tuguegarao.rco@dfa.gov.ph.

Maari silang mamili ng petsa Dec. 23 hanggang January 23.

 

 

 

Read more...