Panawagan ito ng aktres at host na si Maine Mendoza kasunod ng viral video ng pagpatay ng isang pulis-Paranaque sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.
Sa kaniyang post sa Twitter, sinabi ni Mendoza na sobra ang ginawa ng pulis.
Tanong pa ng aktres, “Bakit kailangang umabot doon?”.
Sa kaniyang post, gumamit hashtag na #STOPTHEKILLINGS si Mendoza.
“Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pero pwede bang barilin ka nalang din sa harap ng anak mo? Sorry Lord pero sobra kasi yun eh. Sobra yung ginawa niya. Hustisya para sa mag-inang Gregorio,” ayon pa kay Mendoza.
MOST READ
LATEST STORIES