Bilang ng mga nakarecover sa COVID-19 sa Navotas 5,181 na

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling sa coronavirus disease o COVID-19 sa Navotas.

Base sa huling datos ng lungsod (alas-5 ng hapon ng Linggo, December 20), nasa 5,181 na ang nakarecover sa COVID-19 kung saan 3 ang nadagdag.

Dalawa ang naitalang bagong nasawi sa lungsod kaya ang bilang ng COVID-19 related deaths ay 168 na.

Ang bilang naman ng active cases ay 62 kung saan 4 ang bagong naitala.

Sa kabuuan umabot na sa 5,411 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Patuloy na paalala ng pamahalaang lungsod ng Navotas na panatilihin ang pagsunod sa mga safety measures para maiwasan ang pagdami pa ng kaso.

Read more...