Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lungsod ng Mandaluyong.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department (Linggo, December 20, 5:30 PM), 101 ang bilang ng active cases sa lungsod kung saan 7 ang nadagdag.
Ang bilang naman ng mga gumaling na o naka-recover na ay nasa 5,491 kung saan 8 ang bagong napaulat,
Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay nanatili sa 170.
Umabot naman na sa 5,762 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.
Ang bilang ng suspected cases ay 135 at 1 ang probable.
Ayon sa Mandaluyong City Health Department ang pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng tinamaan ng virus at suspected cases ay resulta ng mas pinaigting na mass testing at contact tracing sa lungsod. Ang hakbang ay ginawa upang matukoy at agarang mabigyan ng karampatang lunas ang mga nagpositibo.