Tatlo pang Filipino abroad, nasawi dahil sa COVID-19

Nasa apat ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang December 20, nasa 12,627 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 83 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,634 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Nasa isa naman ang bagong gumaling kung kaya 8,127 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Tatlo naman ang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 866 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,626 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,586 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 781 naman ang kaso sa Americas at 2,634 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...