BREAKING: Mga gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas, sumampa na sa 429,134

Mahigit 1,000 muli ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Linggo (December 20), umabot na sa 459,789 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 21,708 o 4.7 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,754 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

81.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.7 porsyento ang asymptomatic; 0.37 porsyento ang moderate; 3.2 porsyento ang severe habang 6.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 36 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 8,947 o 1.95 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 8,080 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 429,134 o 93.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...