P105-M halaga ng ari-arian sa Caraga region, nasira dahil sa #VickyPH

Pumalo na sa P105 milyon ang halaga ng ari-arian ang nasira sa Caraga region dahil sa Bagyong Vicky.

Ito ay base sa ulat na natanggap ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Aabot sa 5,000 katao sa Davao at Caraga region ang inilikas.

Sa bahagi ng Cebu, 83 na bahay ang naiulat na nasira.

Una rito, tatlo katao ang naiulat na nasawi dahil sa Bagyong Vicky.

Gayunman, wala pang inilalabas na official casualty ang NDRRMC.

Read more...