143 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Quezon City

Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 27,146 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Linggo ng umaga (December 20).

Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 1,228 o katumbas ng apat na porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.

25,168 o 93 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 750 o tatlong porsyento ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 22,277 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

Read more...