Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 76,626,187 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 18,077,768 cases.
Sumunod na rito ang India na may 10,031,659 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 7,213,155 naman ang kaso sa Brazil habang 2,819,429 ang napaulat na kaso sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 2,460,555
– Turkey – 2,004,285
– United Kingdom – 2,004,219
– Italy – 1,938,083
– Spain – 1,817,448
– Argentina – 1,537,169
– Colombia – 1,496,062
– Germany – 1,493,961
– Mexico – 1,313,675
– Poland – 1,194,110
– Iran – 1,152,072
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 1,691,942 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 53,751,202 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.