Pahayag ito ni Go sa gitna ng sisihan at pagtuturuan nina Foriegn Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr, Health Secretary Francisco Duque III at Senador Panfilo Lacson kung bakit naantala ang pagbili ng Pilipinas ng bakuna kontra COVID-19 sa kompanyang Pfizer.
Ayon kay Go, chairman ng Senate committee on Health, dapat magkaisa para maayos na maipatupad ang whole-of-nation approach.
“Huwag na po muna tayong magturuan at magsiraan pa. Ang problema diyan magkakasama kayo sa Gabinete, kayo pa ang nagtuturuan. Hindi po nakakatulong sa Duterte Administration kung kayu-kayo mismo ang nagtuturuan, kung sino ang may kasalanan,” pahayag ni Go.
Umaapela rin si Go kay Duque na magpaliwanag sa publiko matapos ang alegasyon na siya ang dahilan sa pagkaantala sa pagbili ng bakuna.
“Suportahan na lang natin ang ating mga health officials. Si Secretary Duque, kung mayroon ka mang pagkukulang, i-explain mo po sa publiko,” pahayag ni Go.
“[Hindi] ko naman po masasabi kung mayroon tiwala o walang tiwala ang mga taumbayan sa kaniya pero ang ating Pangulo ay may tiwala sa kaniya. And prerogative ng Pangulo kung sino ang gusto niyang mamuno ng isang departamento,” dagdag ng Senador.