VP Binay, dadalo sa local proclamation rally ng local candidates ng UNA

Photo Release
Photo Release

Sa Metro Manila lamang nakasentro ang kampanya ni Vice President Jejomar Binay ngayong araw.

Ayon kay United Nationalist Alliance (UNA) President, Cong. Toby Tiangco, dadalo ang bise presidente sa proclamation rally ng mga lokal na kandidato ng UNA mamayang hapon.

Gaganapin ang proclamation rally sa Pasong Tamo sa Makati City.

Bukas naman ay muling mag-iikot sa mga lalawigan si Binay.

Unang tutunguhin ni Binay bukas ang Cebu City, dahil ayon kay Tiangco, personal na hiniling ni Mayor Mike Rama na saksihan ng bise presidente ang proclamation rally sa lungsod.

Dahil sa pormal na pag-arangkada ng kampanya para sa mga kandidato para sa local posts, sinabi ni Tiangco na inaasahang mas magiging hectic ang schedule ni Binay.

Marami kasi aniyang local candidates ang humihiling na dumalo siya sa mga proclamation rally.

 

Read more...