Ateneo de Manila University, binulabog ng bomb threat

Twitter Photo / Deany Hendrick Cheng
Twitter Photo / Deany Hendrick Cheng

Sinuspinde na ang klase at trabaho sa Ateneo De Manila University sa Loyola Heights sa Quezon City.

Ito ay matapos na makatanggap ng bomb threat ang unibersidad sa pamamagitan ng text message.

Sa official facebook page ng ADMU, nakasaad na alas 8:30 ng umaga nang matanggap ang bomb threat.

Agad pinalabas sa gusali at pinanatili sa Tennis Court at Bellarmine field ang mga mag-aaral at mga empleyado.

Pero alas 10:00 ng umaga ay nagdeklara na ng class at work suspension at pinauwi na ang lahat ng nasa campus.

Inanunsyo din sa facebook page na pwede nang sunduin ng mga magulang ang kanilang mga anak.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang inspeksyon ng mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal Unit ng QCPD sa buong campus.

 

Read more...