Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 27,003 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Sabado ng umaga (December 19).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 1,153 o katumbas ng apat na porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
25,101 o 93 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 749 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 22,115 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES