Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 11 kilometers northeast ng bayan ng Tagbina, alas-4:07 hapon ng Biyernes (December 18).
May lalim na 151 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES