Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes (December 18), umabot na sa 456,562 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 27,021 o 5.9 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,122 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
84 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.0 porsyento ang asymptomatic; 0.31 porsyento ang moderate; 2.5 porsyento ang severe habang 5.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 25 naman ang napaulat na dagdag na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 8,875 o 1.94 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 778 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 420,666 o 92.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.