Dating GM ng LLDA, hinatulang guilty sa kasong graft ng Sandiganbayan

LLDA nereusHinatulang guilty ng Sandiganbayan 4th Division sa kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act si dating Laguna Lake Development Authority General Manager Nereus Acosta.

Anim na taon at isang buwan hanggang sampung taon na pagkakabilanggo ang ipinataw ng korte laban kay Acosta.

Ang kaso ay kaugnay sa maanomalyang paggasta ni Acosta sa kanyang Priority Development Assistance Fund o PDAF noong ito ay kinatawan pa ng Bukidnon noong taong 2002.

Bukod kay Acosta, hinatulan ding guilty ng anti-graft court ang ina nito na si Soccorro Acosta.

Si Ginang Acosta na dating alkalde sa bayan ng Manolo Fortich ay nakipagsabwatan umano sa kaniyang anak.

Sa record, illegal umanong inilipat ang solar tunnel dryer na nagkakahalaga ng P2.5 milyon mula sa munisipalidad ng Talakag patungo sa Manolo Fortich.

 

Read more...