Orange heavy rainfall warning nakataas pa rin sa maraming lalawigan sa Visayas

Nakararanas pa rin ng malakas na buhos ng ulan sa maraming lalawigan sa Visayas dahil sa epekto ng bagyong Vicky.

Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 2:00 ng hapon ngayong Biyernes, Dec. 18, orange warning level pa rin ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:

– Bohol
– Southern Leyte

Ayon sa PAGASA nagbabadya na ang pagbaha lalo na sa mabababang lugar.

Yellow warning level naman na ang umiiral sa sumusunod na lalawigan:

– Cebu
– Siquijor
– Negros Oriental
– Negros Occidental
– Eastern Samar
– Samar
– Biliran Island
– Leyte

Pinapayuhan ang publiko at local disaster risk reduction and management council na imonitor ang lagay ng panahon at mag-antabay sa susunod na abiso ng PAGASA

 

 

 

Read more...