Ilang bahagi ng Luzon, makararanas ng pag-ulan dahil sa amihan

Photo from PAGASA
Photo from PAGASA

Uulanin ngayong araw ang ilang bahagi ng Luzon dahil sa umiiral na amihan at tail-end of cold front.

Ayon sa abiso ng PAGASA, apektado ng northeast monsoon ang Northern Luzon habang ang tail-end of cold front naman ay naka-aapekto sa Southern Luzon.

Dahil dito, ang Bicol region at lalawigan ng Quezon ay makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ngayong araw.

Mahinang pag-ulan din ang mararanasan sa mga rehiyon ng Cagayan Valley, Ilocos, Cordillera, at Central Luzon.

Kaninang pasado alas 5:00 ng umaga, ay nakaranas na ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Limay at Mariveles, Bataan; ang Tanay, Binangonan at Baras sa Rizal, at ang ilang bahagi ng Quezon at Laguna.

Ayon sa PAGASA, alas 8:30 naman ng umaga ay nakaranas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Real, Mauban at Agdangan sa Quezon, gayundin sa ilang bahagi ng Laguna at Batangas.

 

Read more...