Kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas, nadagdagan pa ng 57

Nadagdagan ng 57 pa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 1,131 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC, DWHVL at Ormoc Molecular Diagnostic Center.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 9:00, Biyernes ng umaga (December 18), 9,900 na ang confirmed COVID-19 cases sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 739 o 7.46 porsyento ang aktibong kaso.

62 residente naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 9,052 o 91.43 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Sa ngayon ay umabot na sa 109 ang bilang ng nasawi sa rehiyon o katumbas ng 1.10 porsyento.

 

 

 

Read more...