Kaso ng COVID-19 sa India nadagdagan ng 26,000 sa magdamag

Umabot na sa mahigit 9.9 million ang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 26,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.

Dahil dito, umabot na sa 9,977,834 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 9.5 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 312,000 pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 300 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 144,829 na.

 

 

Read more...