Wala pang naitatalang fire-cracker related injuries ngayong taon ayon sa DILG

Wala pang naitatalang fire-cracker related injuries sa bansa ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Batay ito sa datos ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa ilalim ng kanilang “Oplan Paalala: Iwas Paputok.”

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, paulit-ulit ang paalala nila sa bawat pamilya na gawing ligtas ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Sinabi ni Malaya na target ang zero casualty sa pagsalubong ng taong 2021.

Sa nakalipas na tatlong taon, sinabi ni Malaya na bumababa ang mga insidente ng firecracker related injuries sa bansa.

Kasunod ito ng mahigpit na pagpapatupad sa Republic Act 7183 at Executive Order No. 28 na nagbabawal sa paggamit ng mga banned na paputok.

 

 

 

Read more...