Si Richmond ay isa sa mga pinangalanan na magiging katuwang ni US President-elect Joe Biden sa sandaling magsimula na ang panunungkulan niya sa pwesto.
Noong Martes, bumiyahe si Richmond sa Georgia.
Nagkaroon umano ito ng interaksyon kay Biden pero nangyari ito sa open air, nakasuot sila ng mask at tumagal ng hindi lalagpas sa 15 minuto ang pag-uusap.
Sa ilalim ng guidelines ng Centers for Disease Control and Prevention, sinabi ni transition spokeswoman Kate Bedingfield na hindi ito matuturing close contact.
Noong Huwebes, isinailalim sa COVID-19 test si Biden at nag-negatibo ito.
MOST READ
LATEST STORIES