Orange heavy rainfall warning nakataas na sa maraming lalawigan sa Mindanao

Nakararanas na ng malakas na buhos ng ulan sa maraming lalawigan sa Mindanao dahil sa bagyong Vicky.

Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 6:00 ng umaga ngayong Biyernes, Dec. 18, orange warning level na ang nakataas sa Agusan del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Sur, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, at Bukidnon.

Ayon sa PAGASA nagbabadya na ang pagbaha lalo na sa mabababang lugar.

Yellow warning level naman na ang umiiral sa Davao City, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Maguindanao, Camiguin, Surigao del Norte, at North Cotabato.

Samantala, katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan na sa Sultan Kudarat, South Cotabato, Zamboanga del Sur, at Sarangani.

 

 

Read more...