Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag

Nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 211.65 meters alas-6:00 umaga ng Biyernes (December 18) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 211.50 meters.

Nadagdagan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na sa 99.53 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 99.46 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nabawasan na nasa 79.42 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 79.44 meters.

Ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque, Magat at Caliraya dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang Pantabangan dam.

Read more...