Bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19, 8,654 na

Nadagdagan pa ang bilang n kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa huling datos mula sa PNP Huwebes (December 17, 6:00PM) 8,654 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.

Sa nasabing bilang ay mayroong 8,222 na pulis na nakarecover o gumaling na sa sakit kung saan nakapagtala ng 24 na bagong recoveries.

Ang COVID-19 active cases naman ay 405.

Samantala, ang COVID-19 related deaths ay nanatili sa 27.

Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.

Read more...