Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 66,108

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (December 17, 3:00 PM) nakapagtala ng 284 na bagong kaso kaya pumalo na sa 66,108 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 17,328
Laguna – 17,674
Batangas – 11,236
Rizal – 13,965
Quezon – 5,905

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 5,164.

Nasa 59,121 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 345 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 15,179
Laguna – 16,318
Batangas – 10,447
Rizal – 12,271
Quezon – 4,906

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 6 kaya umabot na sa 1,823 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 470
Laguna – 401
Batangas – 329
Rizal – 450
Quezon – 173

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.

Read more...