Marcos jewels, masisilip na sa internet

 

Mula sa inquirer.net/PCGG FB

Maari nang makita sa internet at mga kilalang social media sites ang ilang mga piling alahas na pag-aari ng pamilya Marcos na nasa kustodiya ngayon ng Presidential Commission on Good Government o PCGG.

Pinasinayaan kamakailan ng PCGG ang ‘digital exhibit’ na nagpapakita ng milyun-milyong dolyar na halaga ng ‘Marcos jewels’ na bahagi ng Hawaii collection na maaring makita ng publiko.

Ang digital exhibit na tinawag na “Virtual Jewelry Exhibit, A Story of Excesses: What Could Have Fueled A Nation’s Development,” ay naglalayong ipakita ang kalabisan ng pamilya Marcos sa loob ng dalawang dekada.

Ilan sa mga makikita sa online exhibit ang mga diamonds, gold, mga tiara at kuwintas na narekober ng PCGG sa mga Marcoses.

Ayon sa record ng Christie’s at Sotheby’s auction house tinatayang nasa mahigit isang bilyong piso ang halaga ng mga alahas na nakumpiska ng gobyerno sa pamilya Marcos noong 1986.

Nahahati sa tatlo ang jewelry collection.

Ang mga ito’y tinatawag na Hawaii, Malacañang at Roumeliotes collections.

Ang tatlong jewelry collection at nasa pangangalaga ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Read more...