BREAKING: Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 454,447

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Huwebes (December 17), umabot na sa 454,447 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 25,695 o 5.7 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,470 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

84.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.9 porsyento ang asymptomatic; 0.30 porsyento ang moderate; 2.7 porsyento ang severe habang 5.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 17 naman ang napaulat na dagdag na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 8,850 o 1.95 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 633 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 419,902 o 92.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...