2 tanod, sugatan sa pagsabog ng IED sa Basilan

 

Mula sa Google Maps

Dalawang miyembro ng Barangay Peace and Action Team ng bayan ng Al-Barka sa lalawigan ng Basilan ang nasugatan makaraang masabugan ang mga ito ng pinaniniwalaang improvised explosive device, Linggo ng hapon.

Ayon kay Major Demy Tejares, deputy commander ng Task Force Zambasulta, (Zamboanga, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi) nakilala ang mga biktima na sina Sarip Alista at Allahero Ujajin,

Ayon sa ulat, nagpapatrulya ang dalawang biktima sa bahagi ng Sitio Bohe Buug sa Bgy. Macalang nang maapakan ng biktimang si Alista ang IED.

Dahil dito, agad na sumabog ang bomba na malubhang ikinasugat ng dalawa.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa posibleng motibo ng mga suspek sa krimen.

Inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

May hinala rin ang mga otoridad na posibleng may kinalaman ang pagtatanim ng bomba sa nagpapatuloy na opensiba ng militar.

Read more...