Website ng Comelec, na-hack

 

Pinasok ng mga hackers na nagpakilalang mga miyembro ng grupong ‘Anonymous Philippines’ ang website ng Commission on Elections at pinalitan ang nilalaman nito ng kanilang mensahe, Linggo ng gabi.

Sa halip na opisyal na website ng poll body ang makikita, naging laman ng website ng Comelec ngayon ang banta na puspusan nilang babantayan ang nalalapit na halalan.

Giit din ng grupo, dapat ay gumawa ng kaukulang mga hakbang ang KOmisyon upang mapalakas ang security features ng mga Precinct Count Optical Scanner machines.

Laman din ng kanilang mensahe ang pagkwestyon sa magiging kahihinatnan ng nalalapit na May 9, elections dahil ngayon pa lamang anila ay puno ng kontrobersiya at katanungan ang proseso.

Agad namang inaksyunan ng Comelec ang insidenteng hacking.

Gayunman hanggang sa kasalukuyan, hindi pa ma-access ang website ng Comelec.

Read more...