Mga pamamaraan upang mapondohan ng COVID-19 vaccine ginagawa ng Kamara

Siniguro ni House Majority Leader Martin Romualdez na ginawa ng liderato ng Kamara ang nararapat para mapondohan ng sapat ang COVID-19 vaccine para sa susunod na taon.

Ayon kay Romualdez, ginagawa nila ang lahat ng mga adjustments at sakripisyo para matugunan ang lahat ng pangangailangan ng bansa partikular sa medical concerns tulad ng bakuna at ayuda sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.

Nakatuon din aniya ang pambansang pondo para tulungan ang bansa na makabangon ang ekonomiya para hindi ito tuluyang sumadsad dahil sa nararanasang global health crisis.

Kumpyansa din si Romualdez na sa ilalim ng liderato ni Speaker Lord Allan Velasco ay makakamit ng bansa ang misyon nito na makabalik sa normal sa 2021.

Sa 2021 budget, P72.5 Billion ang inilaan na pondo para sa procurement ng COVID-19 vaccines na hindi hamak na mataas kumpara sa P2.5 Billion na original proposal ng Budget Department at sa P8 Billion na appropriation noong una ng Kamara.

Read more...