Sisikapin ng bicameral conference committee na maiakyat sa opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte bago sumapit ang pasko ang reconciled version ng proposed Coconut Levy Trust Fund bill.
sinabi ni House Committee on Agriculture and Food chairman Mark Enverga na naghahanap ng paraan si Speaker Lord Allan Velasco sa pamamagitan nang pakikipag-ugnayan sa executive department para maiakyat sa lalong madaling panahon sa opisina ni Pangulong Duterte ang pinal na bersyon ng panukala.
Disyembre 14 nang aprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbsa ang House Bill No. 8136 o ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act sa botong 221 affirmative votes, 6 negative votes, at zero abstentions.
Oktubre naman nang aprubahan ng Senado ang counterpart bill nito, kaya inaasahan na sa mga susunod na araw ay magkikita-kita contingent mula sa dalawang kapulungan ng Kongreso sa bicameral conference committee para ayusin ang pagkakaiba sa dalawang bersyon nang panukala.
Sa ilalim ng panukala, kukunin ang proposed trust fund mula sa coco levy fund, na siningil sa mga coconut farmers noong administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Dati itong nagkakahalaga ng P9.7 billion, pero ang halaga ng coco levy funds now ay umaabot na sa P76 billion.
Noong 2019, dalwaang panukalang batas patungkol dito ang inaprubahan ng Kongreso pero na-veto ito ni Pangulong Duterte.
Tutol kasi noon ang Malacañang sa proposed inclussion ng anim na private farmers at isang industry representative sa 15-member Philippine Coconut Authority (PCA) Board.
Ayon sa Malacañang, ang trust fund ay dapat na pinangangasiwaan ng mga government officials.
Nakita rin ng Malacañanang na masyadong malawak ang awtoridad ng PCA sa na-veto na panukalang batas.