Sa Laging Handa Public Briefing sinabi ni BJMP Spokesperson Chief Inspector Xavier Solda na karamihan sa 2,000 preso na tinamaan ng sakit ay gumaling na.
Umabot aniya sa 1,987 cases ng COVID-19 ang naitala sa mga persons deprived of liberty o PDL.
Pero sa ngayon, 88 na lang ang aktibong kaso.
Pero ayon kay Solda, nakapagtala ng 25 PDLs na pumanaw sa sakit na pawang mayroong pre-existing medical conditions gaya ng diabetes at hypertension.
Samantala, nakapagtala naman ng 1,017 BJMP personnel na nagpositibo sa COVID-19.
Pero sa ngayon, 32 na lamang ang aktibong kaso.
May naitala ding apat na BJMP personnel na pumanaw sa sakit dahil sa kumplikasyon sa kanilang pre-existing health conditions.