Third wave sa COVID-19 ibinabala ni Pangulong Duterte

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na huwag magpakakampante kahit may bakuna na sa COVID-19.

Ayon sa pangulo, mayroon pa kasing second at third wave ng COVID-19.

Ibig sabihin, ang mga hindi pa tinamaan ng COVID-19 ay maaring matamaan at magkasakit.

Kaya paalala ng pangulo, patuloy na mag-ingat.

Nababahala ang pangulo sa pagdagsa ng mga mamimili sa Divisoria.

Bukod pa dito ang pagdagsa ng mga tao sa lansangan at iba pang pampublikong lugar lalo na ngayong kapaskuhan.

Pinaalalahanan din ng pangulo ang publiko ba kung maari huwag na munang magtungo at mamasko sa kani-kanilang mga ninong at ninang.

Mahalaga kasi aniya ang buhay ng tao kaysa sa regalo.

 

 

Read more...