Yellow heavy rainfall Warning nakataas sa pa rin sa ilang bahagi ng Apayao at Cagayan

Nakararanas pa rin ng malakas at patuloy na pag-ulan sa ilang bahagi ng Cagayan at Apayao.

Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 10:57 ng umaga ngayong Huwebes, December 17, yellow warning ang nakataas pa rin sa bayan ng Calanasan at Luna sa Apayao at sa mga bayan ng Baggao, Claveria, Gonzaga, Pamplona, Santa Ana, Santa Praxedes at Sanchez Mira sa Cagayan.

Babala ng PAGASA sa mga residente ang nararanasang pag-ulan maaring magdulot ng flashflood sa mabababang lugar o landslides sa bulubunduking lugar.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan sa Fuga Island; Santa Marcela, Apayao; Abulug, Alcala, Amulung, Aparri, Ballesteros, Gattaran, Lallo at Peñablanca sa Cagayan; Pagudpud, Ilocos Norte; at sa Maconacon at San Pablo sa Isabela.

Ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng northeast monsoon.

 

 

 

 

 

Read more...