Al-Jazeera, magtatanggal ng 500 empleyado

 

500 manggagawa ng Qatar-based broadcast network na Al-Jazeera ang nakatakdang mawalan ng trabaho dahil sa gagawing ‘workforce optimization initiative’.

Ayon sa network, nasa 300 kawani ng kanilang Doha headquarters ang maapektuhan ng proseso.

Sinabi ni Al-Jazeera acting director Mostefa Souag, kanilang isasagawa ang ‘workforce optimization’ upang mapanatili ang pangunguna sa pagbibigay ng ‘hard-hitting’ journalism sa buong mundo.

Bagama’t nalulungkot sila aniya sa naturang hakbang, naniniwala silang ito ang tanging paraan upang mapanatiling maging competitive at mapahaba pa ang buhay ng kumpanya sa industriya.

Ayon sa ilang insiders, posibleng simulan ang mga ‘job cuts’ sa susunod na linggo.

Posible anilang unang maapektuhan ng sibakan ang mga non-editorial positions.

Una rito, inanunsyo kamakailan ng network ang pagsasara ng kanilang Al-Jazeera America branch sa Abril kung saan nasa 700 kawani ang inaasahang mawawalan ng trabaho.

Ang Al-Jazeera ay pinangangasiwaan ng gobyerno ng Qatar.

Read more...