Mga maglilingkod sa eleksiyon, pagsusuutin ng uniporme

comelec bldgPagsusuutin ng Commission on Elections o Comelec ng uniforms ang kanilang mga empleyado at miyembro ng Board of Election Inspectors o BEIs na magsisilbi sa halalan sa May 9.

Dahil dito, nag-imbita ang Comelec Bids and Awards Committee ng mga interesadong bidders para sa pagsusuplay ng mga election day t-shirts.

Ayon sa Comelec, mahigit anim na libo ang kailangang uniporme para sa mga empleyado nila o Lot 1, habang nasa 300 thousand para naman sa mga BEI o Lot 2.

Batay pa sa Invitation to Bid ng Comelec, ang Lot 1 ay may aprubadong budget na P20,814,525.00 o 75 pesos bawat t-shirt; habang ang Lot 2 ay may pondong P1,231,600.00 o 200 pesos para sa kada t-shirt.

Ang magbi-bid ng lagpas sa budget kada item ay otomatikong marereject sa bid opening. Ang pre-bid conference naman ay itinakda sa March 30, alas-dos ng hapon sa EBAD Conference Room sa Palacio del Gobernador Bldg. sa Intramuros, Manila, habang ang Submission of Bids ay bago o mismong sa April 13, alas-nuebe ng umaga.

.

Read more...