P50M inilaan ng Kamara para sa COVID-19 vaccine

Isasama ng Kamara sa mababakunahan ng COVID-19 vaccine ang mga pamilya ng mga kawani nito pati ang mga media na nakatalaga sa Batasan Complex.

Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, maglalaan ang Mababang Kapulungan ng P50M pondo pambili ng COVID-19 vaccine na kukunin mula sa taunang budget ng Kamara.

Uunahin sa mababakunahan ang mga house employees at isasama na rin ang lima sa miyembro ng kanilang pamilya.

Paliwanag ni Velasco, layunin ng hakbang na ito na matiyak ang kaligtasan ng mga empleyado at para maipagpatuloy ang normalcy sa pagtugon ng Kamara sa kanilang legislative mandate.

Plano ring isama sa mababakunahan ng COVID-19 vaccine ang mga myembro ng House Media.

Samantala, anuman aniya ang matitira sa COVID-19 vaccine ay ito naman ang ilalaan para sa mga kongresista at lima sa kanilang immediate family members.

 

 

 

Read more...