Sinabi pa ni Cayetano na hindi rin ang Senado ang masisisi dahil aniya ang pagka-antala ay bunga ng kabiguan ng Kamara na magpadala ng mamumuno at miyembro sa bicam committee conference para sana mapag-usapan ang mga gusot at magkakaibang posisyon sa panukala.
Bunga nito, sabi ng senadora, hindi pa magkakaroon ng mga insentibo sa buwis at kabawasan sa corporate tax na 30 porsiyento ang mga negosyo.
Hindi rin agad nakalusot sa Senado ang panukalang-batas dahil binigyan prayoridad ang pagpasa sa 2021 General Appropriations Bill.
Sa bersyon ng panukala sa Senado, awtomatiko at agad bibigyan ng 30 porsiyentong diskuwento sa corporate tax ang mga negosyo, ngunit sa Kamara, ang kanilang gusto ay bawas isang porsiyento lang sa corporate tax kada taon.