US President-elect Joe Biden magpapabakuna kontra COVID-19 sa susunod na linggo

AFP photo

Magpapaturok na ng bakuna kontra COVID-19 si US President-elect Joe Biden sa susunod na linggo.

Ayon ito sa mga opisyal na nag-aasikaso ng transition process.

Unang nangako si Biden na magiging top priority ng kaniyang administrasyon ang paglaban sa COVID-19 sa sandaling siya ay maupo na sa pwesto sa Jan. 20.

Samantala, ayon kay White House Press Secretary Kayleigh McEnany, si US President Donald Trump ay tatanggap din ng bakuna sa lalong madaling panahon.

Ang initial doses ng COVID-19 vaccine ay naging available na sa US kung saan prayoridad ang mga duktor, nurse at iba pang frontline medical workers.

 

 

 

Read more...