Global cases ng COVID-19 mahigit 74.4 million na

Umabot sa mahigit 684,000 pa ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa nakalipas na magdamag.

Batay sa pinakahuling datos araw ng Huwebes, (Dec. 17) ay 74,484,525 na ang global cases ng COVID-19.

Sa magdamag, mahigit 216,000 ang bagong kaso na naitala sa US.

Sa Brazil nakapagtala ng mahigit 68,000 na bagong kaso sa magdamag.

Mahigit 29,000 naman ang mga bagong kaso na naitala sa Turkey.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 17,362,167
India – 9,954,769
Brazil – 7,042,695
Russia – 2,734,454
France – 2,409,062
Turkey – 1,928,165
UK – 1,913,277
Italy – 1,888,144
Spain – 1,782,566
Argentina – 1,517,046

 

 

 

Read more...