Yellow heavy rainfall warning nakataas sa pa rin sa ilang bahagi ng Apayao at Cagayan

Nakararanas pa rin ng malakas at patuloy na pag-ulan sa ilang bahagi ng Cagayan at Apayao.

Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 7:57 ng umaga ngayong Huwebes, December 17, yellow warning ang nakataas pa rin sa bayan ng Calanasan at Luna sa Apayao at sa mga bayan ng Baggao, Claveria, Gonzaga, Pamplona, Santa Ana, Santa Praxedes at Sanchez Mira sa Cagayan.

Babala ng PAGASA sa mga residente ang nararanasang pag-ulan maaring magdulot ng flashflood sa mabababang lugar o landslides sa bulubunduking lugar.

Samantala nakararanas din ng mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na ulan sa Gattaran at Peñablanca Cagayan.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan din ang nararanasan sa Allacapan, Aparri, Buguey, Camalanuigan, Lallo, Santa Teresita, Solana at Tuguegarao City sa Cagayan; at sa mga bayan ng Divilacan, Maconacon at San Pablo sa Isabela.

Ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng northeast monsoon.

 

 

 

 

Read more...