Kaso ng COVID-19 sa US nadagdagan ng mahigit 200,000 pa; mahigit 3,000 pa ang nasawi

Umabot na sa lagpas 17.3 million ang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 216,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa US.

Dahil dito, umabot na sa 17,362,167 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 10.1 million na ang gumaling sa COVID-19 sa US at mayroon pa itong mahigit 6.9 million pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 3,200 pang pumanaw sa US dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 314,371 na.

 

 

 

Read more...