Mayor ng Calauan, Laguna, sugatan sa pananambang, 2 patay

calauan mapDalawa ang patay sa pananambang sa alkalde ng Calauan, Laguna at mga kasamahan nito kaninang hapon ng Linggo.

Sa inisyal na impormasyon, sugatan sa pamamaril si Mayor Buenafrido Berris at sa kasamaang palad ay nasawi ang mga kasama nito kabilang na si Emman Coronado Peña na tatakbong konsehal sa darating na halalan.

Naganap ang ambush sa Barangay Imok alas-singko ng hapon.

Isinugod pa sa ospital sina Berris at Peña, subalit hindi na naisalba ng mga doktor ang huli.

Iniimbestigahan na ang pag-ambush kina Berris, Peña at kasamahan nito, na nangyari isang araw pa lamang mula nang magsimula ang campaign period sa local elective positions.

 

Read more...