Campaign rules, dapat sundin ayon sa Comelec

election campaig materialsIpinapaalala ng Commission on Elections o Comelec sa mga lokal na kandidato para sa May 9 polls at kani-kanilang supporters na sundin ang mga umiiral na campaign rules.

Ito’y bunsod na rin ng inaasahang pag-arangkada ng husto ngayong linggo ng kampanya ng mga kandidato sa mga lokal na posisyon.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, kailangang sundin ng mga kandidato ang nasasaad sa Republic Act 9006 gayundin ang implementing rules and regulations ng poll body.

Bukod sa mga tumatakbo, sinabi ni Jimenez na dapat makisama rin ang mga tagasuporta ng mga kandidato.

Kinumpirma naman ni Jimenez na may mga reklamong nakarating sa Comelec noong Good Friday, kung kailan ipinagbabawal ang kampanya.

March 25 o Biyernes Santo natapat ang pag uumpisa ng campaign period, pero ina-atras ito at ginawang Sabado de Glorya.

Ayon kay Jimenez, may mga sumbong ng paglabag sa campaign ban na ngayon ay iniimbestigahan na raw ng komisyon.

Hinimok namang muli ni Jimenez ang publiko na maging vigilante at maging bukas sa pagpaparating sa Comelec ng mga reklamo sa pamamagitan ng social media hotline ng poll body na #SumbongKo.

 

Read more...