Ayon kay Presidential Communications Secretary Hermino Coloma Jr., masyadong maliit ang volume ng mga nasirang saging para maka-apekto sa Philippines-China trade relations.
Ang tinutukoy ni Coloma ay ang 34.78 na toneladang sub- standatd na mga saging na imported mula sa Pilipinas, na katumbas umano dalawang containers o 2,700 na kahon at may halaga na 1.4 million pesos lamang.
Sinira sa Shenzhen ang mga saging matapos matuklasang may pestisidyo na ‘carbendazim’, na labis-labis sa itinatakdang limitasyon.
Batay naman sa ulat ng Reuters, aabot sa 33 thousand dollars ang presyo ng mga saging na dinurog at ibinaon sa isang landfill.
Ani Coloma, base umano sa Department of Trade and Industry o DTI, maaaring hindi nakalusot sa sanitary at phytosanitary inspections ng China ang mga saging, at upang maiwasan ang kontaminasyon ay nireject at sinira ang mga ito.
Paglilinaw pa ng Malacanang official, routinary ang ginawa ng China at alinsunod sa World Trade Organization.
Ang China ay ang ika-apat sa mga bansang largest export market ng Pilipinas.
Ang iba pa ay ang Japan, Amerika at Hong Kong.