Pangulong Duterte: Huwag lumabas para sa regalo, baka mahawa pa kayo

Ngayong papalapit na ang Pasko, may payo si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko.

Sa kaniyang pre recorded speech, nanawagan ang pangulo na huwag nang lumabas para lamang sa “aguinaldo”.

Ayon sa pangulo, nandiyan pa din kasi ang banta ng COVID-19 at maaring magkaroon pa ng hawaan.

Payo din ng pangulo sa nga bata, huwag nang magpunta sa mga ninong at ninang.

Apela ni Pangulong Duterte, magsakripisyo muna at iwasan na lamang din ang pagdaraos ng party sa Pasko at Bagong Taon para maging ligtas ang lahat.

Dismayado ang pangulo sa napapanood niyang balita na napaka-daming tao ang dumadagsa sa Divisoria.

Konting pagtitiis na lang ayon sa pangulo dahil mayroon nang darating na bakuna laban sa COVID-19.

 

 

 

Read more...