Bayabas, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 3.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 31 kilometers northeast ng bayan ng Bayabas, alas-5:37 umaga ng Huwebes (December 17).

May lalim na 27 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...