15 katao arestado sa raid laban sa loose firearms

Ph_locator_agusan_del_sur_rosarioArestado ang labinglmang tao, kabilang na ang isang rookie police, kasabay ng pagkakasabat ng mga otoridad sa dalawampu’t isang iba’t ibang uri ng mga armas sa mga raid sa Agusan Del Sur.

Ayon kay Supt. Rodelio Roqueta, assistant provincial police director, ang mga raid ay ginawa sa mga bayan ng Talacogon, Bunawan, Esperanza at Rosario, maging sa Bayugan City.

Sinabi ni Roqueta na ang mga operasyon ay bahagi ng kampanya laban sa loose firearms.

Mayroon ding search warrants na nakuha ang mga pulis para maisakatuparan ang raids.

Aniya, labing lima sa mga kumpiskadong armas ay mula raw sa opisina ng Jogon Security Agency sa bayan ng Rosario, kung saan naaresto si PO1 McBarry Vargas ng Sibagat Police at iba pang mga suspek.

Kabilang sa mga armas na nakumpiska ay Armalite rifles, grenade launchers at isang sub-machine gun, na pawang hindi lisensyado.

Ayon naman kay Rosario Police chief Christopher John Viajar, may posibilidad na ang mga nakuhang armas mula sa mga suspek ay gagamitin sana ngayong election period.

 

Read more...