Sa 11AM advisory ng Pagasa, umabot na sa 15 hanggang 30mm ang naibuhos na tubig ulan sa Bataan sa nakalipas na isang oras at inaasahang tatagal pa sa susunod na dalawang oras.
Pinapayuhan ng Pagasa ang mga residente na maging handa sa pagbahang maidudulot ng pag-ulan.
Samantala, Yellow rainfall warning naman o “heavy” ang umiiral sa Zambales, Bulacan, Cavite, Metro Manila, Batangas, Laguna at Rizal
Nangangahulugan ito na nakapagtala na ng 7.5 hanggang 15mm na dami ng pag-ulan sa Metro Manila at anim na lalawigan sa nakalipas na isang oras at inaasahang tatagal pa ng dalawang oras, at inaasahan ang pagbaha sa mga mabababang lugar.
Sa parehong abiso ng Pagasa, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang naka-aapekto sa mga lalawigan ng Quezon, Tarlac, Nueva Ecija at Pampanga
Ayon sa Pagasa ang nararanasang mga pag-ulan ay epekto ng habagat na pinalalakas ng bagyong Falcon./ Dona Dominguez-Cargull0